JM, The Blue-eyed Intruder (Hot Intruder)
Sinalubong ng tadyak ni Jhoan ang pangahas na lalaking bigla na lang pumasok sa pamamagitan ng pagsipa at pagsira sa pinto ng kubong punong-puno ng...
Also Available in:
- Amazon
- Audible
- Barnes & Noble
- AbeBooks
- Kobo
More Details
Sinalubong ng tadyak ni Jhoan ang pangahas na lalaking bigla na lang pumasok sa pamamagitan ng pagsipa at pagsira sa pinto ng kubong punong-puno ng masasayang alaala ng kanyang lolo at lola. Ang akala siguro nito, por que guwapo ito ay palalampasin niya ang ginawa nito. Hinding-hindi siya magpapadala sa asul na mga mata nito kahit nakakaakit ang mga iyon. Kung susumahin, kulang pa ang ipinatikim niyang tadyak sa perhuwisyong dinala nito sa kanya. Kaya itinali at iginuhit niya ito nang hubad. Kung hindi lang tumawag ang date ng nanay niya na si Tito Mike at sinabing anak nito si JM—ang lalaking pinarurusahan niya—ay hindi pa siya titigil sa paniningil dito.
Subalit nais niyang pagsisihan na pinakawalan niya si JM dahil ginantihan siya nito ng masiil na halik sa mga labi. Ang masama pa, nasundan pa ang halik na iyon nang mapilitan siyang tumira sa condominium unit nito. Pakiramdam niya ay naisahan siya nito. Paano siya makagaganti rito kung awtomatikong humihina ang kanyang depensa tuwing natitikman niya ang halik nito
- Format:Paperback
- Pages: pages
- Publication:
- Publisher:Precious Pages Corp.
- Edition:
- Language:tgl
- ISBN10:9710249983
- ISBN13:9789710249985
- kindle Asin:9710249983









